Pangarap sa Kabila ng Natupad na Pangarap

Minsan na akong nangarap, nangarap na maging isang System Analyst sa isang malakeng kumpanya sa Subic. Hindi ko man ginawa ang lahat pero ibinigay ng mga pagkakataon na maabot ko ito.

Andito na ako sa pangarap ko, sumobra pa nga. Senior System Analyst na ako sa isang pinakamakalakeng kumpanya sa…hindi sa Subic, dito sa Palau.

systems analyst

Hindi lang isa sa pinakamalakeng kumpanya ang napasukan ko dito sa Palau, eto ang pinakamalakeng kumpanya sa Palau. Mahigit 15 stores, kasama ang department stores, groceries store, meron ding restaurant, at ilang hotel na nakakalat sa lungsod ng Palau, meron ding car sales, at car rental, may isang hardware at isang lumberyard, meron ding paupahang apartment at kung ano-ano pa.

Pero eto ako ngayon, naiingit sa iba, inaasam na sana ganun ang trabaho ko tulad ng sa kanila. Ano ba?! Andito na ako sa pangarap ko! Di pa ba ako kuntento? Sa tutuo lang, nagsasawa na ako eh, tinatamad, nangangarap muling sana ganito, ganyan ang trabaho ko.

Alam mo yun? yung trabahong papasok ka ng alas otso ng umaga, trabaho hanggang alas singko ng hapon at pagkatapos uwian na, di ka na mag iisip na bukas may nakapila nang gagawin mo, na bukas deadline mo na at kailangan matapos mo na ang trabaho mo, na bukas itutuloy mo ung di moo natapos, na bukas…at napakarami pang bukas na puro trabaho.

Yung trabaho sana na tulad ng warehouseman, cashier, waiter, tricycle/jeepney driver… Yung trabahong mag iisip ka lang kapag oras ng trabaho, kapag nasa bahay ka ay pahinga na isip mo sa trabaho. Yung ganun, na di tulad ngayon kakauwi mo pa lang galing sa maghapong trabaho, iniisip mo na kung paano ang gagawin mo sa trabaho kinabukasan, iniisip mo na kung paano mo matatapos ang di mo natapos ngayon, na dapat sana ay nakauwi ka na, relax na lang.

butler

O baka may mali lang sa akin kaya nararanasan ko to? Time management kaya?

Pero di na mahalaga yun, ang mahalaga andito ako sa pangarap ko, pinipilit na makuntento, pinipilit na hindi magsawa. Kasi kung tutuparin ko pa yung pinapangarap ko ngayon na trabaho, malamang walang kainin pamilya ko…

Kaya ok na ako dito, pangarap lang yung sinabi ko, at mananatili na lang pangarap at makukuntento na lang ako sa trabahong meron ako ngayon.

ADVERTISEMENTS
SHARE

16 COMMENTS

  1. Naalala ko yung sinabi ng isang kaibigan namin na Pinoy na ofcmate ng husband ko. Nasa managerial position na siya ng pinakamalaking kumpanya ng security software for computers (i’m sure familiar ka sa company nila). Milyun-milyon ang sales quota ng team niya pa lang pero higit pa dun ang napapasok niya. He’s grown tired of his position. And just like your dream, he’s now dreaming of becoming a data encoder, one who works a normal 8hrs/day. So he could spend more time with his family unlike now.

    The paradox of life: We have bigger houses and smaller families; more conveniences, but less time.

    • minsan mas ok pa ngang bumalik sa simple, simpleng buhay, simpleng trabaho, simpleng buhay, kasama ang pamilya…di tulad nito, maayos nga, magkakalayo naman.

      Ganun pa man, malake na rin pasasalamat ko at andito ako…pangarapin ko na lang na muli magkasama sama kami 🙂

  2. naisip ko lang, kung pwede lang sana makipagpalit ng trabaho sayo yung mga ticycle/jeepney driver, nakipagpalit na yon for sure. hehehe. oh well, that’s how life is, 🙂

  3. Dumarating talaga sa buhay natin na mararamdaman mong nakakasawa na ang same routine ng trabaho lalo na kung wala kng pahinga/day-off. Minsan ko na yang naramdaman, as in lagi ko sinasabi emotionally drain na ako sa paghawak ng cancer patient.

    Kailangan mo lng ng oras maglibang, makakita ng bagong lugar/view at makapag unwind.

  4. Hmmm.. Masarap nga siguro yung ganun.. walang sakit ng ulo sa trabaho. Konting sikap pa sir, para yung pinakamataas na posisyon na ang makuha mo.. yung big boss. hehehe.

    hindi pa din ako masyadong makarelate sa totoo lang, wala pa kasi akong nagiging trabaho.. hehe.

    • masarap ung trabaho parekoy, pero siguro lageng butas ang bulsa mo kapag ung pangarap kong trabaho ang trabaho mo 😀

  5. huwaw! ang galing at ang ganda naman ng trabaho mo? pero sigurado ako, sasabihin mo na… “Hindi naman sa ganun”… kasi nga katulad ko at katulad ng iba…. may mga sinasakripisyo tayo para dito…tulad ng panahon sa pamilya, mga nawawalang panahon para sa sarili…at madami pang panahon na dapat ay para tlaga sa atin…

    pero ganun daw talaga, katulad ng sinabi mo kailangan natin makuntento sa mga bagay at pagkakataon na meron tayo tulad ng ganyang trabaho… para sa mga taong inaalayan natin ng ating mga pangarap…

  6. “Kasi kung tutuparin ko pa yung pinapangarap ko ngayon na trabaho, malamang walang kainin pamilya ko?”

    honestly nagsasawa na din ako, lalo na pag-galamay mo na ang trabaho wala ng excitement at di na kachallenge-challenge.. pero pag naiisip ko na ang pamilya wala na! panalo na sila..dahil kasi sa kanila bakit nandito pa din ako na tyatayaga…

    haay..buti nalang may blog at internet kung wala haaaist kakabagot talaga..

LEAVE A REPLY