Binalewalang pangarap

College days, kakaumpisa lang ng semester. Sa isang Computer Subject tinanong kami ng instructor kung ano ba daw ang gusto namin maging work after ng college o yung pangarap naming trabaho, at isulat ‘to sa papel.

Alam ko work ng Programmer pero tutal pangarap rin lang naman at di naman sinabing pag di natupad to eh bagsak ka na sa subject na yun. Systems Analyst, ganda pakinggan. Yun na lang, eh saan naman? Syempre sa lugar namin, sa Olongapo. Sa Subic na maraming Company at sana dun sa pinakamalakeng Company sa Subic. Libre naman dba? Yan na lang ang pangarap ko at isusulat ko sa papel. Wala lang, may maisulat lang sa papel at maipasa sa instructor na pangarap ko daw.

system-analyst-subic

Tutal madalas ako sa inuman, laseng lage, minsan amoy alak pang papasok sa skul, balewala na yung pangarap. Tuloy lang sa pag aaral at sana makatapos at makapagtrabaho kahit hindi Systems Analyst.

December 1998 nang matapos ako ng College, 3 months na lang at 1 year old na panganay ko dapat magkatrabaho para may pang Birthday. Buti na lang nagka-work agad si misis, Ako? natapos na bday ng panganay ko wala pa rin akong work. Papasukin ko na nga sana pagiging balasador sa casino dahil may kaibigan tatay ko na magpapasok sa akin. Buti na lang nasa STI College na wife ko.

Ni-recommend ako ng wife ko sa STI bilang Instructor, kahit alam kong ang kahinaan ko eh ang pagharap sa maraming tao sumige ako hanggang sa matanggap at makapag turo ng dalawang semester. Hindi ko alam eto pala ang isa sa dahilan ng pag angat ng posisyon ko sa IT Industry, natanggap ako bilang Programmer sa Makati dahil IT Instructor daw ako at Graduate ung magiging boss ko kung saan ako gumraduate ng kolehiyo.

Yun na ang simula, hanggang sa mapunta ako dito sa Palau.Syempre bilang Programmer pa rin, yun nga lang paglipas ng tatlong taon isa na akong ganap na Systems Analyst, at nadagdagan pa, Sr. Systems Analyst. Parang ang tanda ng dating no? bakit kasi may Sr. pa eh? pero okey na yan.

Sa isip isip ko, eto ang pangarap ko dba? Naabot ko na?! Binatukan ako ng nasa likod ko sabay sabing “Di ka ba marunong magbasa? Ayan na yung memo oh!!!Promoted ka!!!” , batukan ko rin sana eh, imahinasyon ko lang pala…

Lumipas pa ang ilang linggo, buwan na ninanamnam ang naabot kong pangarap…Bakit parang may kulang? Eto ba talaga pangarap ko? Andito na ako! Mas mataas pa sa pinangarap ko, bakit parang may hinahanap ako?, o sadyang ganito dahil naabot ko pangarap ko ng malayo sa mga mahal ko?

Ito ba talaga ang pinangarap ko? Maging Systems Analyst habang malayo sa mga mahal…Hindi siguro!

Ngayon alam ko na kung ano ang pangarap ko, at kung ano ang kulang dito.

Aabutin din kita, gaya ng pag abot ko sa binalewalang pangarap…Pero ngayon, paghahandaan ko ang pagdating nito.

This entry was posted in Articles. Bookmark the permalink.

27 Responses to Binalewalang pangarap

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *