Bukang Liwayway kung ito’y tawagin, Kung saan masisilayan ang umuusbong na liwanag. Di man natin inaasahan ngunit sadyang darating, sabi nga nila itinakda pagkatapos ng bawat gabi na sa buhay natin ay dumaraan.
Kadalasan, sa bawat problemang ating napagdaraanan iniisip natin ito na ang katapusan, na hanggang dito na lamang tayo, na wala nang bukas at wala nang pag asa pa. Ngunit sadya yatang ganyan ang buhay, susubukan ka hanggang sa sukdulan, hanggang sa hindi mo na makayanan at sumuko na lamang. Ang hindi natin alam, mayroong nagmamasid sa atin, handang gumabay kung kinakailangan, at alalayan ka sa pagbangon kung bibigyan mo lamang ng pagkakataon.
Oo nga’t madilim kung tutuusin, ngunit matuto ka lamang maghintay, gawin ang alam mong tama, at matutong bumangon ng may gabay ng nasa taas, upang nang sa gayon masilayan mo ang parating na Bukang Liwayway.
Mahirap mang intindihin pero ito na ang itinakda. Sa bawat dilim na ating susuungin, may liwanag na naghihintay.
Bukang Liwayway kung ito’y tawagin, munting liwanag, bagong simula, bagong araw, bagong pag asa sa hamon ng buhay.
23 Responses to Bukang Liwayway