Pangarap sa Kabila ng Natupad na Pangarap

Minsan na akong nangarap, nangarap na maging isang System Analyst sa isang malakeng kumpanya sa Subic. Hindi ko man ginawa ang lahat pero ibinigay ng mga pagkakataon na maabot ko ito.

Andito na ako sa pangarap ko, sumobra pa nga. Senior System Analyst na ako sa isang pinakamakalakeng kumpanya sa…hindi sa Subic, dito sa Palau.

systems analyst

Hindi lang isa sa pinakamalakeng kumpanya ang napasukan ko dito sa Palau, eto ang pinakamalakeng kumpanya sa Palau. Mahigit 15 stores, kasama ang department stores, groceries store, meron ding restaurant, at ilang hotel na nakakalat sa lungsod ng Palau, meron ding car sales, at car rental, may isang hardware at isang lumberyard, meron ding paupahang apartment at kung ano-ano pa.

Pero eto ako ngayon, naiingit sa iba, inaasam na sana ganun ang trabaho ko tulad ng sa kanila. Ano ba?! Andito na ako sa pangarap ko! Di pa ba ako kuntento? Sa tutuo lang, nagsasawa na ako eh, tinatamad, nangangarap muling sana ganito, ganyan ang trabaho ko.

Alam mo yun? yung trabahong papasok ka ng alas otso ng umaga, trabaho hanggang alas singko ng hapon at pagkatapos uwian na, di ka na mag iisip na bukas may nakapila nang gagawin mo, na bukas deadline mo na at kailangan matapos mo na ang trabaho mo, na bukas itutuloy mo ung di moo natapos, na bukas…at napakarami pang bukas na puro trabaho.

Yung trabaho sana na tulad ng warehouseman, cashier, waiter, tricycle/jeepney driver… Yung trabahong mag iisip ka lang kapag oras ng trabaho, kapag nasa bahay ka ay pahinga na isip mo sa trabaho. Yung ganun, na di tulad ngayon kakauwi mo pa lang galing sa maghapong trabaho, iniisip mo na kung paano ang gagawin mo sa trabaho kinabukasan, iniisip mo na kung paano mo matatapos ang di mo natapos ngayon, na dapat sana ay nakauwi ka na, relax na lang.

butler

O baka may mali lang sa akin kaya nararanasan ko to? Time management kaya?

Pero di na mahalaga yun, ang mahalaga andito ako sa pangarap ko, pinipilit na makuntento, pinipilit na hindi magsawa. Kasi kung tutuparin ko pa yung pinapangarap ko ngayon na trabaho, malamang walang kainin pamilya ko…

Kaya ok na ako dito, pangarap lang yung sinabi ko, at mananatili na lang pangarap at makukuntento na lang ako sa trabahong meron ako ngayon.

This entry was posted in Articles. Bookmark the permalink.

16 Responses to Pangarap sa Kabila ng Natupad na Pangarap

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *