May mga bagay na di na kayang kontrolin ng isang nilalang na tulad ko, tulad nyo, ni pigilan ay di magawa…Ito’y mga bagay na sadyang itinakda para sayo, para sa kung sino man…Ito’y itinakda dahil kailangan at may dahilan…at kung gagawin ang tama at ang karapat dapat, tiyak ito’y kayang lagpasan.

Contact us for the Photo without watermark
Dapit hapon kung ito’y tawagin, kung saan nag aagaw ang liwanag at dilim. Di man natin kagustuhan pero ito’y itinakda, kailangan mangyari at kailangan pagdaanan…Ang maganda lang, ito ang nagsisilbing simula para mapaghandaan ang susunod na araw.
Kalimitan, iniisip natin na ang mga problemang dumaraan sa buhay natin ay isang kamalasan o isang masamang pangyayari na kahit di natin ginusto ay sadya tayong kinakapitan…minsan pa halos sisihin natin ang nasa itaas dahil sa sobrang hirap at sakit na nararanasan…pero kung tutuusin, nasa sayo lang naman kung paano mo ito malalagpasan, kung paano mo ito gagamitin para sa mga susunod pang pangyayari sa ating buhay ay magawa natin ng tama.
Ang problemang dumarating ay para lang dapit hapon, di kayang kontrolin o pigilan pero tiyak kayang lagpasan…Madilim man kung ituring pero ito ang panahon kung saan maaari kang makapag ipon ng lakas, itama ang lahat at paghandaan ang susunod na liwanag.
Nyahahahahah buti pinalitan ko ang title ng article ko… kung nagkataon pareho tayo ng title… jijijiji
hmmm maganda na naman ang post mo brod… para sa akin ang problema ay isang test na dapat pilitin ipasa at isang sukatan kung gaano ka katatag sa buhay…. the more problems the more stronger you become… yun ay kuro kuro ko lang… hehehe di na kasi ako emo tulad nung una mo akong nakilala… wahahahaha
lahat ng pinagdadaanan natin ay sadyang may iiwang marka sa ating pagkatao.
Nasasa atin kung hahayaan nating pahinain tayo ng mga pagsubok na ito. …
maganda ang picture. pwede ka ng mag-aral ng photography. hehehehe!
mas gusto ko pa rin ang bukang liwayway kaysa dapit hapon…
nice pic!
Mas maganda ang post nato kung habang binabasa may "background music" na Gulong ng Palad. : D
@Xprosaic…
napadalaw tuloy ako ng di oras sa pahina mo 😀
@Saul…
Lake nga ng pinagbago ng tema ng mga post mo eh…buti yan pre, at least natuto ka sa mga nakaraan…
@AZEL…
Tama ka dun Azel, pero saka na ung photography at mahal ang camera 😀
@An_Indecent_Mind…
Syempre naman, bukod sa bagong araw, bagong simula rin 🙂
@Blogusvox…
Hehehe 😀 di ko naisip un ah..magawa nga minsan lolzz
Inspiring, sa bawa't daput hapon hindi dapat malumbay dahil hindi dito nagtatapos ang buhay, dahil kung tayo ay maghihintay, ay ating masisilayan ang pagbubukang liwayway.
Purihin ka Lord.
helo lord,
tama kailangan harapin ang lahat ng pagsubok na dumadating sa ating buhay…kailangan tayong maging matatag para malampasan lahat ito…kung may dilim may liwanag din…kung may liwanag may bumbilya (hhehe.joke lang un huli)
pwdeng pwde na sa photography 🙂
mura lang ang camera dito…
hehehehe..
kaya lang hindi ka naman taga-dito..
dapit-hapon..
hayy…
wala akong masabi..
babalik na lang ako pag naalala ko yung gusto kong sabihin..heheheh
sa paglubog na araw ay meron pag asa muli sa kinabukasan. lahat ng problema ay iwanan kasabay ng dapit hapon. Magsimula mula sa panibagong araw.
@The Pope…
At sa pagdating ng bukang liwayway, tuloy ang byahe ng buhay 🙂
@Meryl…
Kala ko may flashlight eh lolzz
@Jen…
Bili mo ako mare? sagot mo muna lolzz
@Life Moto…
Tama, bagong umaga, bagong araw at bagong pag asa
tama ka pare,at kasunod ng dapit hapon ang dilim, na gaano man kalalim o kadilim darating din ang umaga,
ngayon pag hndi pa din dumating ang umaga o liwanag,wag kang mangangamba hindi kapa patay nabulag ka lang,lols
mas-convinient talagang isama si ericson! kaya naman ayus na ayus!
maganda ang pagkakakuha parekoy!
at sa dapit hapon ng buhay ng bawat isa sa atin, goodluck nalang.
may kanya kanya tayung laban na kailangang lampasan dyan… ang mahalaga eh handa tayo… tulad ng dapit hapon, didilim pa lalo pagdating ng gabi.. buti nalang may meralco o di kaya ay kandila na magsisilbing liwanag sa dilim.
pahabol:
hindi pala ako tatagal dyan sa kinakukutaan mo parekoy… hindi ko hiyang ang tabing dagat. nagkakaroon ako ng allergy.
Akala ko 'kamatayan'! Madalas kasing naiuugnay rito ang 'dapit-hapon'.
Ayos ang metaphor mo… U
korek yan parekoy ang buhay natin ay laging may naghihintay na bukas.
unga, ang buhay parang life lang yan.
Ay? mali
ang buhay para daw tayo tumatakbo sa treck and field, me mga hurdles na madadaanan, it is up to us how to deal with life.
Kung malakas loob, tibay ng sikmura, kaya natin.
If suko na, as if there's tom, then we lose sight of the bright future ahead.
Kaya: AJA!
dapat maging handa palagi para abutan man ng dapit hapon, natapos na ang mga dapat gawin.
nice shot btw! mahusay!
hmm.. dapat buong tapang haharapin ang kung ano man ang itinakda sa ating buhay. Yon!!!
🙂
@HNS…
Kala ko brownout kaya di pa lumiwanag eh 😀
@Kosa…
At ang kandila ang nagsisilbing gabay natin sa pagtahak sa madilim na parte ng ating buhay, ha?!!! lolzz
@RJ…
Naisip ko nga rin yun pre, pero mas okey kung maiba naman ang pananaw nila sa dapit hapon db? 🙂
@Francesca…
Patuloy lang ang buhay, wag ka nga raw susuko dahil sigurado may patutunguhan ang paglalakbay mo…
@Chyng…
Parang boy scout enoh, laging handa 🙂
@Marco…
Buong tapang? dapat ba may itak parekoy? lolzz
parekoy. pwede ring wag na mag-ilaw o magkandila. kapaan nalang..lols
What a very positive post, comparing the hope that dusk brings with the hope that we should have when we have problems. Ang galing.
kapatid, I got your emails. Pasensya na ngayon lang uli ako nakapag-open ng inbox ko. But I'm at work at the moment kaya later tonight ko pa masasagot ha.Pasensya na uli.
And yes, Kapatid, I am a "mare' not a "pare" LOL!
Miss N
http://nortehanon.com
Lahat ng indibidawal sa ayaw at sa gudto man natin ang dapit hapon at darating din sa atin…Ipagpasalmat nalang na ito'y atin pang narating….nice one again…
Ayos ang sulat mo..natural na pagkatapos ng dapit hapon ay may bukas pa..hehe..ganun ang buhay mula noon pa..may umaga, araw, at gabi..pero sana pagsasapit na ang dapit hapon ay walang dinaramdam..
may baliw na pag-ibig sa blog ko..at higit sa lahat ay tumatanggap po ako ng by request..
may mga times talaga na napanghihinaan tayo ng loob kapag may problema.. hindi maganda kapag natakot ka at huminto ka na sa madilim na bahagi… dapat maisip natin na kapag buong tapang natin itong ginawan ng paraan, sa dulo ng madilim na bahagi, masisilayan mo yung liwanag..
nice post =)
wow ang lalim! hehehe pero sa bawat katagang binitawan mo, tama ang mga ito….lahat ng problema kayang lagpasan at lilipas din dahil may umaga uling darating….naks naman
[…] Dapit Hapon, papunta sa opisina namin gamit si pareng Ericsson […]
wooooowwwww…
kaya pala napadpad ako dito at may maganda akong mababasa!
ang ganda ng kuha mo akala ko galing sa mga web, uy maganda din itong isinulat mo ha kaso para sa akin ang dapit hapon ay nakakatamad at nakakaantok, wala lang parang maganda lang syang tignan pero parang nakakalungkot