Byahe ng Buhay

Byahe ng Buhay… Byahe kung saan ikaw mismo ang drayber, ikaw ang masusunod kung kelan ka dapat lumiko, kung kelan dapat bilisan o bagalan ang takbo, ikaw ang masusunod kung gusto mong huminto o magpatuloy…Dahil sa dinami dami ng bako bakong daan na iyong nadaanan minsan di mo na alam kung kakayanin mo pa ung mga susunod pang daan…Tutuloy ka pa ba?

traffic-long-island-malakal-palau

Location : Long Island, Malakal State, Palau / Camera : Samsung Galaxy A5
Contact us for the Photo without watermark

Oo nga’t tayo ang drayber, tayo ang masusunod…pero di naman siguro ibig sabihin nun eh kung ano na lang ung gusto natin un na lang lage…Hindi man natin isipin o namamalayan, meron tayong mga sakay, mga taong nakisakay o sumabay sa byaheng kahit ikaw ay di mo alam ang patutunguhan…na sa bawat galaw ng manibela, sa bawat tapak sa gasolina, sa bawat paghinto sila ang mas higit na naaapektuhan…Tutuloy ka pa ba?

Sabihin na nating tutuo, na ang buhay ay parang byahe na ikaw ang drayber, may mga pagsubok kang nadadaanan…at kung minsan pa ay nasisiraan, pero hindi ibig sabihin hihinto ka na at di na magpapatuloy. Bako-bako man ang daan, alam mong kakayanin mo, alam mong malalagpasan mo rin ang daang yun. Masiraan ka man sa daan, alam mo may magagawa ka para maayos to. Hindi mo man kayanin andyan SYA para ika’y tulungan, tawag ka lang sigurado magagawa agad ang sira mong buhay, hindi man ngayon pero maghintay ka lang ibibigay NYA yun sa tamang panahon…edi, tutuloy ka na?

This entry was posted in Articles, Photos. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *