Cross Stitch

Nasa tabing dagat si Nilo habang pinagmamasdan ang paglubog ni Haring Araw, kasabay nito ang pagdating ng malamyos na hanging dala ng tubig mula sa dagat upang bigyang saya ang noo’y matamlay na si Nilo. Ngunit bago pa man dumampi ang hangin sa pisngi ni Nilo, naunahan na ito ng luhang matagal nang nagpupumilit na kumawala sa kanyang mga mata.

coco-beach-ngiwal-palau
Location : Coco Beach, Ngiwal State, Palau / Camera : Samsung Galaxy A5
Contact us for the Photo without watermark

Torpe ang kantyaw kay Nilo ng mga tropa simula pagkabata, hanggang ligaw-tingin lamang ito sa mga hinahangaang kaklase. Pero ang tutuo, alam ni Nilo sa sarili nyang wala syang maipagmamalake kung pag uusapan ang hitsura, kaya madalas ang paghanga’y nakukulong na lamang sa dibdib at hindi mabigyan laya. Magkaroon man ng pagkakataon itong si Nilo upang ihayag ang nararamdaman, bigla na lamang itong susuko at ibabaon sa limot ang lahat.

Kaya’t simula pagkabata, hanggang sa magkolehiyo hindi naranasan ni Nilo ang makipagrelasyon. At imbes, nalulong ito sa gimikan, banda,inuman, yosi, tropa pati pagpapahaba ng buhok at pagpapa-tattoo sa braso ay nasubukan nya. Sabi nga ng iba wala ng Pag-asa. Patunay lamang nito ang pagsasayang nya ng perang pang-tuition sa dalawang Unibersidad bago pa napadpad sa isang iskul kung saan nya nakilala ang babaeng hanggang ngayo’y laman pa rin ng kanyang puso.

Matalino si Lyn at tulad ni Nilo, transferee rin sya sa pinapasukang iskul. Una pa lang humanga na sya dito dahil sa taglay na ganda at pagiging masayahin, walang malungkot na sandali kapag sya ay kasama. Ngunit tulad ng nakagisnan, hanggang ligaw-tingin lamang si Nilo. Hindi maihayag ang kanyang nararamdaman at patuloy lamang na humahanga.

Ganun pa man, Si Lyn na ang naging inspirasyon nito sa pag aaral. Kasabay ng mga kalokohan sa tropa ay pagseseryoso sa pag aaral. Hanggang sa nagkaruon si Nilo ng pagkakataon upang maipadama kay Lyn ang nararamdaman.

Nagkasakit si Lyn at ilang araw hindi nakapasok, at sa pagkabahala ni Nilo gumawa sya ng paraan para makuha ang numero ng telepono ni Lyn upang matawagan ito at makamusta. Sabi ng mga nakakakilala kay Lyn istrikto daw ang Lola nito, hindi basta-basta tumatanggap ng tawag lalo’t lalake ang nasa kabilang linya. Ngunit di nawalan ng pag-asa si Nilo, tumawag sya sa kadahilanang sa pagkakataong ganito lamang nya maipadarama ang nararamdaman.

Nagkausap nga si Lyn at Nilo sa telepono dahil na rin sa napaamo ni Nilo ang Lola nyang istrikto, ngunit dala ng kaba hindi nakuhang magpakilala ni Nilo kay Lyn. Nagpatuloy ang tawagan nila hanggang sa dumating ang araw na nabisto na si Nilo, wala na syang maitatago, kilala na sya ni Lyn.

Nalaman ito ng mga kaibigan nila, at tulad ng mga kabataan hindi naiwasan ang kantyawan ang dalawa. Hanggang sa dumating ang araw na naging sila at eto na rin ang simula ng mga masasayang araw para kay Nilo.

At dahil na rin sa nararamdamang saya ni Nilo sa piling ni Lyn, nakaisip sya ng bagay na maaari nyang i-regalo dito. Isang bagay na kapag binigay nya kay Lyn ay maisasama ang kanyang nararamdamang pagmamahal, paghihirap, tyaga, at oras na gugugulin nya sa paggawa nito. Ang pinakaunang Cross-Stitch na ginawa ni Nilo…

At sa unang pagkakataon, nakikipaghabulan si Nilo sa mga magagaling na mag-aaral ng eskwelahang kanyang pinasukan, kasama ang babaeng naging inspirasyon sabay nilang tinapos ng buong tapang ang kolehiyo…

Dumampi ang malamyos na hanging dala ng tubig mula sa dagat sa pisngi ni Nilo, ngunit di nito napawi ang luhang patuloy na umaagos sa kanyang pisngi…

Wala na ang Haring Araw, tapos na ang pagbabalik-tanaw, simula na naman nang pag yakap sa kasalukuyan…

Simpleng kwentong Pag-Ibig, imahinasyon ng may akda, alay sa mga mambabasa

HAPPY PUSO DAY!

ADVERTISEMENTS
SHARE

37 COMMENTS

  1. Gandang araw, kapatid. Buti pa dito, balemtayms na balentayms na 🙂

    Galing ah, pwedeng-pwede ka palang manunulat ng maikling kwento o kaya nobela. Multi-talented!

    Aabangan ko ang susunod na kabanata…

  2. I really admire Nilo kc sigurado ako na magiging maswete sa kanya c lyn kc alam nyang d na to hahanap pa ng iba..kya lang bakit in the end umiiyak sya..lonely ending ba?

  3. @Miss N…
    Hahaha wala nang kasunod, dahil una't huli na yan, pero siguro pag iisipan ko 😀

    @Jam…
    Nagbabago ang lahat, pero sa takbo ng kwento, kahit ano pa man ang mangyari si Lyn ang una't huli…

    Walang ending eh, di pa sya dapat mag end 😀

  4. kala ko love story mo nyahaha! nice… 🙂 naguluhan lang ako sa ending. kelan ba ung susunod na kabanata?

    ang tunay na tao pagnagmahal parang tsinelas, ikumpara man sa bago at mamahaling sapatos, siguradong hindi ka iiwan kahit sa baha.

    ano ba 'tong word verification mo sakin pa natapat… shetth… 😀

  5. wow, i really like the story of yours! sinu makakapagsabi na ang isang taong torpe ay magkakaroon ng mgandang lovelife kung talagang gugustuhin nya ang isang babae at kung ipaglalabang nya kung anu talaga ang kanyang nararamdaman! ganun paman sa naging storya ni nilo nagbago siya simula ng makilala niya si len, ay lyn pala.. hehhee..

    may lalake din palang marunung at matyagang mag cross stitch, sana hindi nalang naging imahinasyon yan! hehehe..

    happy hearts day!

  6. Nice may maikling kwento ka na! Writer na writer ang dating! Medyo tama si Roan magulo lang ng konti sa ending! Pero okay pa rin

    Ingat parekoy!

  7. @Roanne…
    next year ang susunod na kabanata, sa balentayms lolzz

    Bkit naman sa tsinelas pa? pero okey na rin, kahit saan maaasahan 🙂

    @PinkDiaries…
    di naman ngbago ng tuluyan si Nilo, andun pa rin ang mga bisyo pero pagdating sa pag aaral sigurado malake ang pagbabago 🙂

    @Drake…
    Writer? nyahaha, malayo pa ako dun…magulo talaga ang ending kasi di pa naman end ng istorya eh 🙂

  8. @Josephil…
    Akala ko kung sinong Josephil, hehehe 😀 PEBA Winner pala at kasa-kasama ko sa SIAM Forum..

    Di ko na alam kung masusundan pa ang kwento ni Nilo pre, ang hirap magkwento eh 😀 … depende sa sitwasyon kung itutuloy 🙂

  9. awww.
    may pinaghuhugutan..
    kakaiba
    bitin na bitin.

    bakit ba ganito ang mga ending ng mga kwneto ng pag-ibig? malungkot kadalasan.. iilan lang ang nagtatapos ng masasaya..hayyyyys

  10. hello LordCM! kwentong pag-ibig na imahinasyon ng may-akda at base sa nararamdaman nito.:-)

    siguro kaya lumuluha si Nilo kasi nami-miss niya nang sobra si Lyn. Nasa malayong lugar kasi si Nilo ngaun gawa ng trabaho. kaya 'wish u were here' ang drama nito sa tabi ng dagat..hehe… mahal na mahal talaga ni Nilo si Lyn. sa tingin ko nga, sila din ang nagkatuluyan sa kwento. hehe…

    napaisip tlaga ako bakit lumuluha si nilo eh masaya naman siya kay Lyn at halatang mahal na mahal niya..yan ang aking naisip na dahilan..hehe…at para happy ending. 🙂

  11. @Xprosaic…
    lab istori ko? asus! 😀

    @Kosa…
    may ending na ba? wala pa naman eh, kaya nga bitin dahil walang ending lolz

    @Tin…
    Linya ko yan eh! lolzz

    Ituloy ba ang kwento! Hehehe, pero okey ah, masaya nga ang naisip mo…pero sana walang ending

    @glentot…
    CM ako!hindi nilo! 😀

  12. parang hinugot sa kaibuturan ng puso ng manunulat .hehe

    "in a love story, there are no happy endings.
    because true love never ends."

    -di yan galing sakin. hehe. forwarded lang na text msg.

    God bless!

  13. @Chie…
    kaibuturan talaga enoh lolzz

    Wala ngang happy endings, kaya di ko pa tinapos eh 😀

    @Keso…
    pinag iisipan na ang part 2 kung ilalabas o hindi 😀

  14. pangalawang balik ko na ito ngaung araw na ito..hoping na naka-post na ang part 2 ng kwento!..nde mawala sa isip ko ang love story nina nilo at lyn (ginawan ko na nga ng sariling ending, nde effective)..hehe..:-)

    ituloy na kasi ang kwento..due to insistent public demand..hehe..:-)

  15. @Tin…
    Hehehe 😀 ayoko kasi ng may ending, pero hayaan mo at pinag iisipan na pero siguro hindi ngayon.Maaaring next week pero malabo, next month 😀 o next year na kapag nakaisip na ako ng kwentong hindi na kailangan lumuha ni Nilo

  16. cge abangan ko na lang karugtong nito (kahit walang ending)! 🙂

    nami-miss nga lang siguro ni Nilo si Lyn..medyo frustrated sa mga pangyayari kasi nde nia ito kasama ngaun..lalu pa nalalapit na ang araw ng mga puso..sympre gusto niya sana nasa tabi niya si Lyn (wishful thinking mode si Nilo)..hehehe…

    pasencia na, dinugtungan ko ang kwento mo…hehe…abangan ko na lang kung naiba ba ang version ko sa tunay na kwento.

  17. @Tin…
    Hahaha dinugtungan pa rin…

    Sana nga lang kwento n lang ang buhay no, ikaw ang gagawa ng sarili mong istorya, ikaw ang masusunod kung paano mo ito patatakbuhin at ikaw ang gagawa ng ending 🙂

  18. hahaha…kasi naman nde kumpleto ang kwento, parang may kulang..hehe..:-)

    tayo naman ang gumagawa ng sarili nating kwento ah..'meron tayong free will gamitin natin ito ng tama!' (hmmmm..mukhang tagline yata ito ng isang manghuhula)..hehe

  19. Valentines day na, naamoy ko na ang bango ng rosas.

    Di ko akalain na isang romantikong tunay ka pala, dama ko ang bawa't salitang ginamit na puno ng pagmamahal sa iyong panulat.

    Happy weekend.

  20. uy, mukhang pang MMK ang dating ng kwento,

    na inlove tuloy ako kay Nilo.

    Kasal na ba siya kay Lyn?

    Gusto ko rin kasi yung cross stitch…

  21. At wala pa palang ending?

    Dont worry, everything will be alright in the end.
    And if it is not so, it is because it is not yet the end.

    Ay, ano ba tong sinasabi ko, hahaha

  22. @Tin…
    may free will nga tayo, pero meron pa rin nakatakda para sa atin db…

    @renz…
    di naman, wala lang talagang ending

    @The Pope…
    Salamat pre 🙂 Happy Valentines sa inyo ni Misis

    @Mulong…
    Toinks!magpopost ka rin 😀

    @Francesca…
    Nasa Part 2 sana malalaman kung kasal sina Nilo at Lyn kaso mukhang malabo ang part 2 eh 😀

    Ayun, kaya walang ending kasi ayaw ng may akda na mag end 😀

  23. @CM, galing naman.

    sinu si NIlo ikaw??? uy baka sabihin mo skip read ako ha, nabasa ko iyon imahinasyon lng ng may akda pero feeling ko related saiyo 🙂

    have a nice day!

LEAVE A REPLY