10 Dahilan kung Bakit Iniiwasan ka ng Crush Mo

Natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit sa dinami-dami ng iiwas sayo ay yung crush mo pa? Kainis no?! Pilit mong nilalapitan para man lang kahit papaano makita mo sya o magkaruon ka ng pagkakataon na makausap sya, makakwentuhan at yung posibilidad na masabi mo sa kanya ung nararamdaman mo. Pero hindi mangyayari, kasi kapag nakita ka na nya, lumalayo na sya, balewala ka na parang wala syang nakita, minsan isnab pa!

Sa tutuo lang maraming dahilan kung bakit ka iniiwasan ng crush mo pero ang babanggitin ko lang siguro ay yung maiisip ko, ang hirap kayang mag-isip!

crush

Ano gusto mo unahin? Good o Bad na dahilan? Yung bad na lang siguro muna, para good yung mahuhuli, happy ending pa rin kahit iniwasan ka.

Bad na dahilan kung bakit ka iniiwasan ng crush mo

1. Panget ka! hahaha, sorry sa term, pero masakit talaga yung malaman mo n yan ang dahilan kung bakit iniiwasan ka ng crush mo.

2. Melon Amoy, hmmm, kahit sino ata iiwasan ka kung melon kang amoy, maliban na lang kung amoy melon ka.

3. Feeling Freddie Aguilar. Di mo alam yan? Sus! kaya ka iniiwasan ng crush mo, kasi doblehin mo ung edad ng crush mo, yun ang tanda mo sa kanya. Pero hindi ikaw si Freddie Aguilar, kaya wag feeling.

4. Feeling Pogi. Feeling mo lahat ng crush mo mapapasayo. Yun ang akala mo!

5. Hindi ka lang talaga crush ng crush mo. Yun lang yun! Sumuko ka na!

Wait ah, di pa tapos. Baka kung ano na maisipan mong gawin sa sarili mo nyan, bad yan..maghunos dili ka. Eto na ang good news.

Good na dahilan kung bakit ka iniiwasan ng crush mo, ayan, nangiti ka na!

6. Feeling ng crush mo, wala pa sa tamang panahon na magkasyota sya. Good yan! ibig sabihin lang nun may pag-asa ka..kasi kung wala, maaga pa lang, malamang sinabi nya nang wala kang pag-asa.

7. Crush ka rin nya. Yun oh! kinilig. Minsan kasi ganun yung ibang crush natin, pakipot ba. Kunwari di ka crush kaya iiwasan ka, pero kinilig nung nalaman nyang crush mo sya.

8. Crush ka ng bestfriend nya. Crush pa lang may namumuo nang Love Triangle. Iniiwasan ka nya kasi ayaw nyang mag-away sila ng bestfriend nya, kaya pinapaubaya ka na lang nya sa bestfriend nya. Kalungkot lang, pero ok na rin kasi kung di ka crush ng bestfriend nya malamang kayo na ngayon.

9. Feeling nya hindi sya nararapat sa iyong nararamdaman kaya ka nya iniiwasan. Pero alam mo bang sa pag-iwas nya ay gumagawa na sya ng paraan para maging karapat-dapat sya sayo? Oo, parang teleserye lang yan. Maniwala ka, wala mang Happy Ending, mayroon namang Happily ever after.

10. Umiiwas sya kasi inis sya sayo! Bakit daw kasi crush mo lang sya, tapos sya love ka na nya. It’s unfair!!!

O diba, good na good kahit iniiwasan ka ayos lang, abot hanggang tenga naman ngiti mo.

Paalala : Di ko pa po napanood ang pelikula ni Kim Chiu na Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo. Sariling pag-iisip, obserbasyon at eksperyensya nung binata pa ako ang ginamit ko para mabuo ang nasa taas. Kung may pagkakapareha man, malamang sa alamang, nagkataon lang.

ADVERTISEMENTS
SHARE

27 COMMENTS

  1. crush ko ang st teacher namin sa status niya intersted men and women isa akung lesbian tomboy ako ngaun sa fb niya block ako wala akung nagawang kasalanan sa kanya hindi ko alm kung bkit niya ako tinangal sa fb niya sinabi ko sakanya na crush ko siya pero walang reply at insasn may msg sinabi niya wag daw akung mashadong emotional godblees takecre yun ang tx niya sa fb ko gsto ko malaman ang dahilan na yun kung bakit iniiwasan niya ako!!!!!!

  2. Oo nga parang si Florence Marianne Jasmin In love ako sa kanya pag lalapit ako sa pila ayaw nya lalayo sya o kaya di nya ako papansinin Hayyyyyyyyy…..

  3. May crush din ako isang empleyado sa isang company,dati di ko siya pansin ngunit dumating ung tym na pag nakita nya ako palaging nakangiti kaya naman napapangiti din ako pag nakita ko siya kaya lang ang problema hindi ko alam kong ano ang gusto niyang palabasin crush din niya kaya ako o baka naman wala lang kc crush ko na sya eh……

  4. May crush akong grade 7. At ako naman ay grade 8 na pero magkapereha kami ng edad. Tapos alam na nya na crush ko sya. Pero feel ko ngayon iniiwasan nya ako
    Pero di ako sure kung iniiwasan nya talaga ako o nagkataon lang talaga. Tingin niyo,crush din ako ng crush ko??

  5. Nag-celebrate kami kahapon ng Valentines Day. Kasi as we know,Saturday yung Valentines Day. So nag-decide yung principal namin na e-advance ‘to at e-celebrate namin sa Feb. 12. Naghintay yung crush ko sa’kin kagabi kasi sinabihan ko yung kaklase ko na nag set ng table para sa’min na pupunta ako. Pero hindi ako nakapunta kasi hindi ako sinundo ng friend ko dito,so wala akong kasama kaya di ako pinayagan ng mom ko na pumunta sa school. Marami na akong te-nex sa friend ko. Tinawagan ko pa sya pero di sya nagre-reply. Tapos tenex ko nalang c Leah na hindi ako makakarating at sinabi ko ring pakibati nalang kay crush na HAPPY VALENTINES DAY.:-(:’-(Naa-awa ako sa crush ko kasi hinitay niya ako at sya rin daw ang nag-request na mag-date kami…

  6. As in talaga nung sinabi ni Leah Mae na umuwi na si R.V. kahihintay sakin,umiyak talaga ako. Naa-wa ako sa kanya kasi hinintay niya ako. Ang SELFISH ni Ella Mae!! Puro si J.J. lang ang inaatupag niya. Ni di man lang nya akong nagawang puntahan para maka-attend din ako sa date!! Na sinamahan ko nga siya kaninang 2:00 pm sa date niya kay J.J. pero di niya man lang naisip kami ni R.V.
    IT REALLY HURT ME SO BAD:’-(:’-(

  7. Sa tingin ko crush ka nya. At bagay na bagay kayong dalawa kasi pareho kayong mapuputi,maganda at gwapo,tall. Basta bagay kayong dalawa. Sana maging kayo :-):-*

  8. Bakit kaya ako iniiwasan ni crush nung una palagi kaming magkasama palagi kaming namamasyal!bat ngayon indi na iniiwasan nya ako indi na sya sumasama sa amin..

  9. May crush din ako schoolmate ko. Dati di ko siya pinapansin ngunit dumating yung time na pag nakikita nya ako palagi nya ‘kong nginingitihan kaya naman napapangiti din ako pag nakita ko siya kaya lang ang problema, hindi ko alam kong ano ang gusto niyang palabasin crush din niya kaya ako o baka naman wala lang kasi crush ko na sya e.

  10. Crush ko sya eh ano magagawan ko hahah
    Kahit mas matanda sya sakin ng 5 years (grade 8 ako 3rd collage na sya
    Ang layo no hahahah Yun ng a yung problema ko
    Puro snob na tatangap ko hahaha
    OK lang naman ako

    Love u Mikki !!!hahaha haha yeh

    #chooselove

  11. May crush po ako sa isang company .. dati di ko sya napapansin. But then ,he caught my attention.. everytime na pumapasok ako, sya agad hnahanap ko. Ayoko aminin sknya na crush ko kc ntatakot akong mareject.. -_-

  12. Iniiwasan ko yung taong may gusto sakin kasi alam ko sa sarili ko na hindi ko siya magugustuhan. Alam kong hindi ako dapat nagsasalita ng tapos pero alam ko kasing malabo talaga. Ayoko siyang masaktan at paasahin na darating ang araw na magugustuhan ko din siya kaya hanggat maaga , iiwasan ko siya para hindi na siya lalong magkagusto sakin. Kasi ganun naman yun diba , hanggat malapit ka sa taong gusto mo lalo mo lang siyang magugustuhan at mahuhulog ka na sa kanya at ayokong mangyari ‘yun sa taong may gusto sakin , hindi dahil gusto ko din siya kundi dahil alam ko ang feeling na ‘yon. Alam ko yung feeling na umasa sa wala. Na umasa at kagatin yung kaunting chansa na magkakagusto din sakin ang taong gusto ko na kahit malinaw naman na hindi talaga. Masakit umasa. At ayokong may masaktan ng dahil lang sakin.

LEAVE A REPLY